Palagi nga bang nasa huli ang pagsisisi? Handa ka na bang harapin ang bunga ng iyong pagpili?
Kaakibat ng pakikipagsapalaran sa buhay ang magdesisyon, mandato ng pagiging estudyante ang mag sumite sa kanilang pang araw-araw na gawain sa eskwela, ayaw man natin o hindi, kailangan natin ito upang makapasa.
Sa katunayan may iba't ibang uri ng desisyon: Desisyon alam mong bullseye sa ganda ang kalalabasan, dahil naisulat mo na ito sa iyong notes at imahinasyon noong nakaraang buwan at siguradong panalo ang pagkakalatag nito. Pangalawa, desisyong mapapa-sipol ka nalang sabay sabing "malas!" dahil alam mo na ang ihahandog nitong kalalabasan. At higit sa lahat, desisyon na hindi mo gusto, hindi mo naisip na mapapasayo, pero dahil binigay, baka nga para sayo kaya kukunin mo nalang, mapapa "Lord, alam kong may dahilan bakit ako nandito"’.
Saan mang lupalop at sulok makikita natin ang iba’t ibang uri ng desisyon, mga pangyayaring hubog at nagbibigay daan sa kung paano tayo mamumulat sa tunay nating identidad bilang estudyante, dalisay ng karunungan at paggapang sa tagumpay na inaasam ay nakabatay sa pagpili ng daang atin mismong tatahakin.
Malinaw sa ating kaisipan na ang kursong Ekonomiks ay hindi payak, dahil hinahamon nito ang kanyang mga mag-aaral na iangat ang kanilang kaalaman sa paggawa ng desisyon sa pagitan ng mga kanais nais na alternatibo maihaharap dito. Kung kaya’t ng tinanong ukol sa ekonomiks bilang kanilang “first choice” sa kolehiyo, tatlong matigas na "Hindi", ang sagot na natanggap galing sa mga mag-aaral mula sa departamento ng ekonomiks. Ngunit sino ka nga para manghusga? lahat ay may hindi tiyak na daang tinungo, mga desisyon nagawa, at sa huli? Hindi naman naging masama ang resulta. Hindi radikal na kaisipan, ngunit gagawin lagi’t lagi, para sa pansariling kalagayan, kapayapaan ng isipan.
Bilang karagdagang kaalaman, inilabora ng mga estudyanteng ito ang kanilang radikal na kaisipan sa isyung tungkol sa pagsisisi—kung mayroon—sa pagkuha ng kursong ekonomiks.
"At first, yes. I do not have this course in mind, given the fact that I'm not good at it
and I cannot see myself in this field, but what keeps on taking away my regrets is the
reality we are experiencing with–poverty, inequality, and injustice system." Ika ni Rhoane Darang ng Bachelor of Economics 3-2.
Ang alternatiboong daan na siyang naghubog sa kanila sa pagkamulat sa katotohanan at tagumpay na hayag ng larangan ng ekonomiks, ay tungo sa hustisya para sa bayan, kaalamang pampinansyal at kaugnayan ng ekonomiya sa labis na pag unlad at pagkakautang ng isang bansa. Pagkakataon na malalimang maintindihan ang silbi ng ekonomiks sa lipunan na naisasabuhay niya at nakatutulong upang maging aktibo sa lipunan tulad sa usapin ng pulitika at gobyerno. Kaalamang nakamtan sa tatlong taon na ibinatay sa kolehiyo, hindi nasayang, dahil ang ideya ay maaaring papasarinlang ang bayan.
“Economics will open our minds about what is happening in our economy, government and its people. It makes us understand deeper that economics is on another level.” Pahayag ni Tristan Navarrosa mula Bachelor of Economics 3-1 ng tinanong tungkol sa kapakinabangan ng kursong ekonomiks.
Patunay na may mga pagkakataon ring hindi matangkad si pagsisi minsan pantay lang sila ni pagdedesisyon, pareho lamang sila ng bilang sa dalawang pila; walang nauuna at walang nahuhuli. May bungang maganda at hindi, mga pagkakataon ring bibigyan ka ng dahilan para magpatuloy. Kung sa tanong ni Heneral Luna na "Bayan o Sarili? Pumili ka! " bayan ang iyong pipiliin, ang kasarinlang para sa bayan.
Giit pa ni Averilla na “nakaiimpluwensya ang ekonomiya sa paggawa ng mga desisyon sa ating buhay, dahil ang ekonomiya ay naaangkop sa lahat.” Dagdag nya pa "It is one of the key that help us be a good decision maker and financially literate"
Patunay na nakita mo man ang pagsisi na kasabay ng iyong pagpili, datapwat hindi lamang salimuot ang dala nito. "There is always a cost and benefit, thus, choose where you can be the most you." Ani ni Rhoane Darang
Sa wakas, may mga desisyon na hindi mo alam kung saan ka dadalhin pero kailangan mo lang magtiwala. Hindi laging kaakibat ng “no choice” ang “regrets”. May pagpipilian man o wala, gusto mo man o hindi, may matututunan ka sa huli.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Written by: Lyka Tan
Layout and Design by: Dennis Amoroso
Commentaires