top of page
Writer's pictureOikonomos Nexus

Arti-W | Paraluman


Pipikit, mumulat.

Yan ang buhay ko bago siya.

Nakatutok, sa mundo ng teknolohiya.

Naglalaro, na animo’y wala nang bukas pa.

Sa tagal na nakakulong, sa madilim na selda

Hindi akalain tadhana natin maglalandas pala.

Sa iyong ganda baybay ang hindi matawarang saya.

Batid ko noon, hindi ka na mapapasakin pa.

Ngunit sa gitna ng magulong mundo.

Kasabay sa kislap ng aking mga mata,

Habang ramdam ang bugso ng damdamin. Andoon ka,

Namumukod tangi—nakabusangot—hintay ang aking pagtungo.

Habang hawak ang pangkuha mo ng litrato.

Ngiti ko, ay hindi na maitatago,

Nakita ko na ang aking hinaharap;

Ayon siya, nakatayo.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Photographer: Mark Halim

Written by: Chloe Alpay

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page