Minsan nang naniwalang pinaglalaruan ako ng tadhana,
Matapos ang pagkatagal na pait, pinalasap ang ginhawa
Akala tuloy nakaahon na ngunit pagkislap ng mga tala,
Ay siyang pagkirot muli ng mga sugat at marka.
Ilang beses naulit ang ganitong taktika,
Sumunod naman na animo’y nasa ilalim ng mahika
Baka iyon na kasi ang tugon sa bawat “sana”
Dalangin sa bawat “aray,” matamis na pag-asa.
Nagpalit na ng kalendaryo, palundag-lundag na petsa
Naging kasing dali na lang ng paghinga ang pag-inda,
Hindi dahil ang sakit ay tuluyan nang nabura
Parehong bagahe pa rin ang dala, ang pinagkaiba,
Naunawaan na ang mahiwagang galaw ng tadhana
Isang pagsasanay, parte ng proseso, kaya pala
Mas gumaan, mas kayang harapin ang bala.
Mga peklat na matagal kinasusuklaman,
Itinuring na puno’t dulo ng kaguluhan.
Ngayon ay nakikita na ang kagandahan
Unti-unti, kailangan pagpasensyahan
Niyakap mula sa kababawan at kailaliman
Lahat ng sakit at marka ng pinangyarihan.
May pagkakataon na maayos, minsan hindi
Okay lang, hindi naman kailangang magmadali
Panatilihing sundan ang sariling sulsi.
Mas kaya mo na dahil tama na ang pin
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Written by: Jessel Tuazon
Layout and Design by: Simon Estanislao
Comments