top of page
Writer's pictureOikonomos Nexus

“Parang hindi ka babae”

Madalas mong paghinalaan ang sarili mo. Sabagay, sa dami ba naman ng bumabatikos sayo imposibleng hindi ka tamaan ng ligaw na bato. Ang sabi mo, walang dating ang iyong pagdating, walang awtoridad ang iyong tinig. Madalas na biro mo’y ikaw ang maykatha ng linya sa kantang “kung nag-aatubili” ni Syd Hartha,



"di mapapangakong masasalo baka ika'y aking mabigo ako'y 'di pa buo"


Ang sabi mo, kulang ka tulad ng dikta nila. Pero mali ka, mali ka babae.


Isa kang regalo,

na hindi na dapat ibalot

ng wrapper noong unang panahon


Propesyonal,

na hindi na dapat dinidiktahan.

Walang kahina-hinala sa iyong kakayahan:


Modernong bahay,

Pinapangarap ng karamihan

Pinaghahandaan,

Pinag-iipunan,

Dapat na ingatan.


Pinupuno,

Ng mga bagay na kung tawagin ng karamiha’y;

Kaartehan

Na aking wari kahuluga’y,

‘Kagandaha’y pinananatili’.


Isa kang tubig,

na walang hugis

Ngunit saan man dalhin

Ika'y nakikibagay,

bumabagay,

Nagiging isa.


Kailanma’y,

hindi mapapanis,

hindi malalaos,

sapagkat presensya mo'y labis.

Ibang klase ka.


Sa industriyang tatahakin,

Nama'y matutunan mong magalak

sa ngalang, babae,

Hindi mainsulto,

Malawak ang lugar mo rito,

May lugar ka rito.


Pilit nilang itatanim,

Ambisyosa ka,

Makonsumo ka,

Masyado nang mataas ang presyo,

Ng kalidad at atensyon mo.


Igagalang kita, sa kung paano mo ikokonsumo ang buhay mo sa lipunang ito. Mula sa pagnais abutin ang posisyon sa korporasyon, o sa kahit ano mang aspekto, hindi salita nila ang magpapababa sayo.


Upang mapasilong ang singkwenta porsyentong lakas ng babaeng ipinagkaitan ng trabaho. Halina’t sabay nating haplusin ang likod ng isa’t isa habang isinusuka ang pamantayang binuo nila.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Written by: Lyka Tan

Layout and Design by: Charles Ian Ramos

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page