๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐น๐๐บ๐ฎ? Tila sumusunod sa isang magandang ritmo ang tinta nito kapag nagsimula nang lumapat sa papel. Lumilikha ng matatalinhagang salita hanggang sa makabuo ng mahiwagang kwentoโpagpapakawala ng masidhing damdamin at pagtatalo ng pagbabago. Matindi ang talas na kayang pumunit ng maling pamamalakad. Masyadong matalas na kayang magmulat sa nakapiring na mata at gumising sa natutulog na diwa. Isang propagandista ang nagsimula ng laban.
๐๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ฑ. Tinahak nang buong tapang ang malawak at asul na kalangitan. Kasarinlan. Iyan ang hinahanap mo. Isinama mo sa himpapawid ang sambayanan, hindi mo iniwan bagkus ay mas itinaas pa ang pagpagaspas. Dahilan upang mabura ang mababang pagtingin sa atin ng mga dayuhan. Pag-asa ang dala ng bawat paglipad mo sa mga Pilipino, ngunit kataksilan para sa mananakop. Hinawakan ka sa leeg at itinapon sa hawla. Ito ang paraan nila upang agarang patayin ang apoy na iyong sinimulan bago pa man sila tuluyang masunog nito. Ngunit nagkakamali sila. Bagamaโt nakakulong, ang pagnanais na lumaban ay higit pa sa mga rehas na bakal. Tumatagos ang hangarin na sapat upang magsimula ng rebolusyon. Bagamaโt nakakakulong, nakaukit sa isip at puso ng kapwa Pilipino ang iyong walang takot na pagsulong, nagtulak upang sila naman ang sumubok. Sumubok na bagtasin ang takot at pang-aalipin.
๐๐น๐๐๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐๐ฟ๐๐๐ฎ. Sa likod ng pagbuo kina Ibarra at Simoun ay ang pagbagyo ng mga pagsubok. Ngunit katulad ng isang kawayan, sumabay ka lamang sa galaw ng hangin at hindi nagpatinag. Nanatiling matatag, nakatayo, at lumalaban.
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ต๐๐ธ๐ผ๐บ. Tinanggap ang kapalaran basta para sa bayan. Anong kadakilaan. Papasikat ang araw nang pinakawalan ang bala. Simbolo ng pag-asa ang umaga. Sa huling hininga ay pinakita ang paninidigan. Pinilit bumagsak nang nakaharap โ tanda na kailanman ay hindi naging taksil. Katapusan ng lahat sa iyo maliban sa iyong kabayanihan, nang humimlay ang katawan mo sa damuhan. Mananatili kang buhay sa iyong mga likha. Likha na puno ng pagmamahal sa bayan. Ito ang simula.
๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด? Ikaw, Rizal, ay huwaran ng kapayapaan. Panulat ang sandatang pinili na maging ang mga letra ay bumagtas mula sa papel hanggang sa kaibuturan ng mga Pilipino. Ikaw ang nagsindi ng apoy ng himagsikan, patuloy itong nagningas nang dahil sa kamatayan mo. Sino ba ang makalilimot sa ganitong kadakilaan. Hindi matatapos ang sinimulan mong laban. Patuloy kang mananatili sa piso, patuloy kang makikita ng lahat ng Pilipino. Maipaaalala na hindi kailanman katanggap-tanggap ang kabuktutan sa lipunan. Ikaw, Pepe, ang mukha ng rebolusyon.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Written by: Jessel Tuazon
Layout and Design by: Simon Estanislao
Comentarios